- Si Gannia umiyak!
Wala lang. Trip ko. Bakit ba? Blog ko to a.
- College of Accountancy VS College of Communication
Sabay na nagcelebrate ang dalawang bigating college. Un nga lang, natural, ano pa ba, tinatanong pa ba, kailangan pa bang imemorize yan, (iSET ASIDE ANG MATH pakiusap) sa amin mas maingay. Sa sobrang ingay na pati ang lasengero sa riles nagtatanong kung saan daw may binyagan.
- Polka Dots
Naranasan mo na bang magbihis ng naka-underwear ka lang sa gitna ng isang nag-iinggay na university? Ako oo!
May diskriminasyon talaga pagdating sa mga babae't lalaki. Ung mga babae pinagbihis ng costume sa CR ng coach namin, kaming mga lalaki, di pinayagan. Aba, si lokong coach, pinagbihis kami sa may lagoon para daw konti lang makakita. E mas maraming tao nga sa lagoon kasi gustong manuod, ng palabas, hindi ng pagbibihis namin. Ang malupet pa, pinaghuhubad kami ng pantalon at shorts, kailangan daw boxers o brief lang. Kung akala mo malupet un, may mas lulupet pa. Ang nipis ng costume namin. Para lang kaming nagsuot ng kupas na kupas na stockings. At kung akala mo malupet na un, may mas lulupet pa. Si Candido Villanueva III, polka dots brief niya. WAHAHAHAHA. Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Nagtatawanan na ung mga bakla at babaeng bakla sa kanya, parang di pa niya alam. Ang makasaysayan niyang brief ay balita namin, nakikita hanggang 4th floor. LOL. Kakagalaw pa, napunit ung stockings, este pantalon niya sa gitna. Ung pantalon kasi parang hinibla lang sa sapot ng gagamba, at skin tone pa. Buti nga wala akong suot na underwear nun kaya nagbeblend. Loko lang XD.
- Ha?
Gabi na nun e. Pauwi na ako, Kalentong palang. Nasa dulo ako nakaupo, malapit sa pasukan sa jeep. Kulay pula ung magic stick sa intersection kaya nakatigil. Nakatitig lang ako sa isang Toyota Vios nun nung biglang lumitaw, lumutang, nagpakita, sumibol, tumubo ang isang Bumbai at isang Kano. Nakaharap sa akin ung Bumbai at sinabing: Ang gwapo mo iho. Gusto mo magmodelo? Loko lang. LOL. Ang totoo, sabi niya sa akin, Isc diz shooobuelibart?
WTF! Dear God! Ano daw? Dahil nga nagulat ako, humarap nalang ako sa driver na nakatingin pala sa akin. Galit ata kasi di pa ako nagbabayad (Bakit ba? Kasasakay ko lang a). Inulit nang Bumbai ung tanong sa akin. Ngayon, ung katabi kong mukhang ewan dahil may suot siyang hard hat sa loob ng jeep, na may future na maging fashion icon, ang sumagot. Uo lang. Sakay naman si Bumbai, sunod si Kano. Na dumdstruck ako kanina. Iniisip ko kung anong linggwahe ang gamit ng Bumbai at bilang sumagot ung katabi kong fashion icon. Hula ko sa Middle East ung accent pero naguluhan ako nang makita kong nagtatawanan ung Bumbai at Kano. Talented ung Kano dahil kayang intindihin ung kasama. Mas maayos naman un diba, kaysa naman biglang nakitawa ung katabi kong fashion icon.
- Usapang height
Sa parehong jeep pa rin ang setting. Ang nangyari, isang lalaki ang sumakay at nauntog sa ilaw ng jeep. Sabi niya, peste ang yawa. Normal na rin sa akin ang ganyan. Mahirap din ang maging matangkad minsan. Uo. Tama. Matangkad ako.Isa ako ang pinakamatangakad na tao sa buong Metro Manila. Ang height ko ay 250kilos.
4 comments:
Grabe mungtanga na akodito kakatawa sa post mong ;to/ nyaha
grabe ka naman. . .
kay lupet ng post mo jepri,haha! ou, ung mkasaysayang brief ni candido, nakita ko yun!(glecy)
lahat ng classmates natin alam ang brief ni candido. . .
magdiwang. . .
PS
wag ka pumunta sa site ku candido. .
Post a Comment