- Ang Pagpapaligo ng isang bakla
Kung napapansin niyo, maswuerte na ako kung pinapansin niyo ako, napakahaba na ng buhok ko. Hindi ko na nga alam kung anu-anong insekto ang nabuhay sa aking mahiwagang ulo. Di na rin aku magugulat kung may makita akong salagubang at tipaklong dito.
Dahil nga iretable (iretable, pronounced as Ire-Table, same as Comfor-Table) na ako, pumunta na nalang ako sa isang babershop. Laking gulat ko nalang nang makitang salon na ung dating babershop. Umamin na sigro ung mga barbero doon na hindi gunting ung gusto nilang hawakan kundi mga cutix. Ayun na. Nagpagupit na ako sa isang baklang mukhang ewan. Binigyan ako ng special treatment dahil gustong lagyan ng shampoo ang buhok ko kahit apat na beses na akong tumanggi. Natuturn on ata siya sa buhok ko. *tawa* Nung andun na, aba! Kumuha pa si tanga ng Safeguard para sabunan ang tenga at batok ko. Wala naman akong nakitang ganun sa ibang costumer na nagpagupit. Hala! Nginiig!
- Pagcocomment at paggawa ng blog na tatlong Linggo nang nakasave as Draft
Nagcomment sa sarili kong mga blog. Salamat sa aking magagaling na English teachers na sina Mary Grace at Ren. Kung di dahil sa kanila, di ko malalaman na napakalaki kong tanga pagdating sa English. Di ko kayo makaklimutan mga Prof! Ang mga words and terminology niyong talaga namang out of this world! Kahit siguro ang kapitbahay naming si Aling Amor ay hahanga sa inyo!
Ito ung isa sa kinamamanalakabawan mayaman. Loko lang! Ung kinaaayawan ko sa sarili ko. Mahilig akong magsimula nang kung anu-anong bagay tapos di ko tatapusin. Lam mu kung bakit? Kasi sanguine ako. *ngisi*
- Ang mga titig ni Aling Amor
Speaking of. Kung di niyo kilala si Aling Amor, iimagine niyo si Aling Pangit, konting pimples ngalang pero ugaling Prof Jinilin. Ang hilig magbigay ng kung anu-anong topic. Kala mo close? T*** i** mo Aling Amor! Kainin mo na yung pagkain mo sa may terrace niyo! Nung Huwebes pa yan nandian a!
- Magferment ng damit
Kakatamad kaya maglaba. Lalo nasa ibang bahay si mama, kaylangan ako maglaba ng labahin ko. Nakikita ko kasi si mama na ibababad ung mga puti ng isang araw tapos lalabhan na ung mga puting damit. Kaya ang ginawa ko, binabad ko ung damit nung Lunes. Ngayong Sabado na, di ko pa nilalabhan. Sa Wednesday nalang un. Para wala akong pasok at siguradong malinis na ang binuro kong mga damit.
- Paglisan
Di dito nakatira si mama at papa. Pero ako, pede nang iconsider. Di kami broken family. Wag niyo nalang itanong. Kakatamad ikwento e.
- Paggawa ng isang kalokohang blog
Eto na ang last. Ang paggawa ng isang blog tungkol sa isang makabuluhang araw ng Sabado. Kung nagenjoy kayo, magcomment kayo. Kung hindi, wag niyo to gagayahin! *halakhak*
PS:
namumublema ako sa blogsite na to. Di gumagana ung ident at ung next paragraph telepathy. naka naman!
6 comments:
Hahaha. Natawa ako dun sa ginawa ng bakla. Hahaha, special treatment sa mga type nilang papa.
Hala, thank you sa compliment. Pero 'di mo ba alam...pseudo-intellectual lang ako.
Wala bang topak si Aling Amor?
Buti di pa bumabaho yung sabon na pinagbabaran mo? Hindi mo na siguro kelangang kusutin yun, ilang araw mo ba namang ibabad.
Binabantayan mo pa rin yung bahay ng mga kamag-anak mong nag-bakasyon sa S.Korea?
Napakamakabuluhang araw talaga ng araw na ito. ^^
ganun ba un. . ?
hahaha
ur welcome. . .!
sa galing nio mag-english mas updated pa kau kaysa sa mga online dictionary. . .
hahaha
may tok-tok nga un si aling amor. . .
kakatakot nga un e. . .
pag nakita mu un. . .
lagot ka sa killer eyes nun. . .
hahaha
iwawashing machine ko nalang un . . .
kakatamad kasi magkusut e XD
uo. . .
dun na nga sila tumira e. . .
kaya alone aku dito. . .
^^,
waw. naispeysyal mention pa si patetik me. saalamat.\naaliw naman ako sa post na to. tuloy mo lang.
...haha..Aling Amor....parang gusto ko xa makita...
oh..parang gusto ko ring makita si aling amor. hehehe.
may washing machine naman pala e. nagmamala-commercial ka pa ng ariel sa pagbababad. XD
ow? as in iniwan na nila ang pilipinas at dun nanirahan?
wag kau mag-alala lahat. . .!
bago tau grumadate. . .
makikita nio si aling amor. . .
wahahaha
REN:
uo. . .
db ang bitter ng buhay ku dito. . .?
hahaha
Post a Comment