Kakauwi ko pa lang galing sa isang one-of-a-kind practice experience. Kung tawagin nga ni Sir Angel, chu chu chu chui!
Alas-onse na, sabi ng ever-trusted kong computer. Pero ako, eto pa rin, gumagawa ng blog. Kalokohan talaga. Kanina kasi sobrang antok na ako. Nung sumakay ng tricycle, para lang akong nag-Enchanted sa sobrang bilis magpatakbo. Kaya eto ako, gumagawa ng blog at kumakain ng napakakalat na otap.
Ang sabi, 7:00am SHARP ang call time para sa praktis. Nadala kasi ako sa mga GM ni Candido nung gabing yun. Baka sermonan ako nun kapag na late ako.
Mgng senctibo nman kau! Dhl ndi lng to para sa coc wik kundi para sating lhat, mhrap mkinabang s tgumpay n ntanggap mu ng wla kng gnwa man lng.
Wg naman sna kaung mgng isang plamuti lng.
Kc alm qng n2re ng taong gumalaw kpg nsaktan.
-eksakto kong itinype ang makabag-damdaming text ni candido
Sheyt! Nothing exist! Ang lalim. Ang talino mo kuya! Sigurado, hahanga sa inyo si Aling Amor! TAKE NOTE: Isa itong na pinipilit ang klase na pumasok ng 7:00am pero, quarter to 8 na, wala pa siya. Tsk tsk tsk. Panigurado, bagsak ang pogi points mo kay Aling Amor niyan! Kung sabagay, kung makikita niya ang shorts mong kasing ikli ng brief mo, candidate ka pa rin at kalaban mo sina Ren at Mary Grace. Ang laban para sa pagtingin ni Aling Amor. Kung sino manalo, sa kanya na ang mga halaman niyang di mo kailangan diligan.
Unang praktis place, sa loob ng 203. Ayos na sana. Kung di lang naki-epal ung ibang estudyante. Nagkakatuwaan na sa loob kaso biglang, booooggg.
Pangalawang praktis place, sa munisipyo ng Mandaluyong. Uo. Tama kayo. Pati ang munisipyo na mukhang university na may masusungit na janitress na may katapat na isa pang university (munisipyo ng Makati) na, opps. Tama na. Libel abot ko nito. Bata pa po ako.
Maayos na sana dun sa may munisipyo, malinis naman, maluwag naman, kaso umulan bigla. Kaya nakishare sa amin ung mga karatistang black belter. Kaya umalis nalang kami. Kaysa naman makipagsuntukan kami dun sa mga un. Black belter un e, gago ka ba?
Pangatlong praktis place, kela Grasya. Sabi 45 minutes lang daw ung travel time kaya game ung iba. Ung iba, di na pede. La na daw sila budget. Kaya si loko, nagpakabayani. Kaya ang ginawa ko ay.
Ung 45 minutes na travel time naging 2 hours. Takte yan. Ano kaya un? Parang umuwi lang akong probinsya niyan. Pero ok lang naman ung byahe. Roadtrip to the max. Daming nakikita na di mo minsan napapansin kapag mag-isa ka lang buma-byahe. Tulad ng: Bawal tumae dito. Gago! Katabi ko si Candido kaya ang trip namin, kumaway sa mga taong nakatayo lang. Ung iba kumanta, nang trip na ibang pasahero na kasabay namin, pinasayaw si Justin at Candido. Sarap ng buhay no? Diba? Diba? Diba?! Diba! Diba!
*pasegwey* Natapos na ang adventure at pagod na ang lahat. Nabuo ang isang plano na para sa Thursday ng CoC Week. Ibang batch din ang pupunta sa planong nauna talaga sa Friday ng CoC Week din. Hahaha. ULOL. Ay sorry. LOL lang pala. Sobra ng "U."
Kaya nga nung pauwi na ako, nagulat ako nung maalalang walang tao sa bahay. AKo lang pala tao dito. Sobrang dilim. Takte yan. Kaya nga pagbukas ko ng pinto, dahan-dahan kong kinapa ung switch sa gilid nang di tumitingin sa loob. Sa may gate ako tumitingin. Takot ako sa multo, pasensya na. Kaw kaya tumira dito mag-isa, sira ulo ka pala e. Nung una di ko mahanap ung switch. Iniisip ko nga, habang hinahanap ung switch, may biglang magsasalita sa loob,
"Sino yan?"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment