September 09, 2009

Araw ng mga Tanga

September 09, 2009
  • Day Two

Pangalawang araw na, sa Tagalog. Second day in other words. Eto na kasi ang ikalawang araw simula nang bigyan kami ng task ni Ma'am Teves. Bunutan. Kung sino mabunot mo, kaylangan maging mabait ka sa kanya within 1 week. Hindi naman mahirap ung task, ang mahirap ay kung SINO ang mabubunot. Kung ang nakuha mo ay di mo masyadong kaclose, ay, patay na. Swerte mo naman kung kaklose mo ung nabunot mo. Pero kasi ung nabunot ko, napakaUNEXPECTED. Out of 49 classmate, sobrang liit ng chances na mabubunot ko siya, pero, wtf, siya talaga. Unang tingin ko sa pangalan niya ay akala ko naghahallucinate lang ako. Pero di talaga. Siya talaga un. Sabi ko nga sa sarili ko, pinaglalaruan talaga ako. Siguro ung iba walang concern pero sa akin, napakabig deal nun. Tae. Una kong naisip na paraan nun ay makipagpalit sa katabi ko (Dez), nakita ko kasi kung sino nabunot niya. Medyo kaibigan ko din. Kaso bigla akong natigilan. Tinanggap ko nalang un bilang hamon sa sarili ko. Tae. Ano kaya mangyayari.

  • Amoy goma dito sa bahay

Sisimulan ko sa pinakasimula. Kahapon, nakajeans ako. Siempre may pantaas. Suot ko nun ang nag-iisang Black na rubber shoes ko dito sa Pasig. E nung pauwi na ako, biglang bumuhos ang tone-toneladang tubig ulan mula sa kalangitan. Ok lang naman sakin ang mabasa. Basta wag naman ung sobra-sobra.

Pagsakay ko nun sa may terminal ng tricycle, may nakita akong tricycle na may cover ung loob. Sabi ko lupet! Kaya dun ako sumakay, e puno na pala kaya backride si tanga ngayon. Pag-andar ng sasakyan biglang hinangin ung trapal sa may likuran. Di ko siya sinabi sa may driver ko kasi feeling ko kakayanin ko ung ulan. Biglang umepal ung ulan. Sobrang lakas. Napuno na ung sapatos ko ng tubig. Nararamdaman ko ung tubig mula sa pants ko pababa sa medyas at naiipon sa may sapatos ko. Pasensya na kasi ung sapatos ko, original un, kaya walang butas. Di malabas ung tubig, putek. Sa unang pagkakataon ng buhay ko, hiniling ko na sana may malaking butas ang sapatos ko. Takte.

Sa kasalukuyan, kakatapos lang namin praktis sa para sa finals sa PE. Ang napagkasunduang costume, black shoes, kahit ano daw. Basta black. Habang nasa meeting, alam ko nang basa pa sapatos ko nun. Kaya nag-isip ako ng paraan. Isa nga lang kalokohan. Pag-uwi ko ngaung araw, ginawa ko na ung plano ko. Kinuha ang sapatos na basa at agad na nilagay sa oven sa bahay. Sinet ng 10 minutes at kumain sandali. Paglabas ko ng kwarto( sa kwarto ako minsan kumakain), nag-amoy goma. Sheyt! Takbo agad ako sa may oven, kaso tapos na ung 10 minutes. Tae. Tae. Tae. Pagbukas ko ng oven sumalubong sa akin ang sapatos ko na naging itim! Joke lang siempre. Itim naman talaga un e. Kaso may parte na ng sapatos na natutung nang parang sunog na sinaing. Tae. Nasunog din ung sintas. Di ko siya pedeng suotin bukas para sa sayaw. Toksheyt. Hanggang ngaung pinoproblema ko pa rin ung sapatos ko para bukas tae. Ang lesson? Sabihin sa driver kung nilipad na ung trapal niya!

5 comments:

synonymforhappy

Hala, potek Jeffrey. Haha, dapat nilagay mo na lang sa likod ng ref matapos mo pigain yung sapatos mo. Matutuyo naman yun. Talagang masusunog sa oven yun. 10 mins?! Manghiram ka na lang mamaya.

mgwrites

e tanga ka pala talaga eh haha.

Rica

Kwela. Natawa ko dun ah, impeyrnes. :p

patoTHOUGHT

...haha, sana nilagyan mo na din ng pizza sauce, mushroom, bell pepper, ham saka cheese yung sapatos mo...astig...haha...

Anonymous

UNO kami sa P.E eh.
anu ba yan, nakakahiya naman sa inyo, nag eeffort pala kayo ng ganyan para lang magka-grade sa PE.. sana pala binigay nalang namin yung grade namin sa inyo..
sisiw lang naman samin ang umuno eh..
edi sana di na nasunog sapatos mo..

HAHAHAHAHAHAHAHA!
:))))))

 
riddle or puzzle ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates