- Saturday. September 12, 2009
Birthday ni Robert. Naks belated. Debut mo na. Ugali ko kasi ang bumati ng happy birthday tuwing 12:00 ng umaga sa eksaktong araw ng birthdate. Corny no? Ginagawa ko un kapag (1) may load pa ako, kapag wala, sensya na, kung gusto mo paloadan mo ako para masabi mo sa parents mo na may bumati sayo kahit isa lang; (2) kapag hindi ako nakatulog kakaintay sa 12 midnight at; (3) kung alam ko birthday mo. Kung isa kang paepal na tao katulad ko na nagpapakalat ng pekeng birthdate para hindi malaman ang birthday mo, apir tayo dian. Member kasi ako ng isang society na ayaw ng ideya sa pagbibirthday. Ng ayaw sa ideya ng pagtanda. Regalo? Uo siguro, kung may nagbibigay, sawa na kasi ako sa mga bigay ng mga kamag-anak na pera na nagre-range from 50-200Php. Sino ba namang di mababadtrip nun? Bibigyan ka ng pera, pero after 30 minutes magpapalibre. Sa kanila din ang balik ng binigay nilang regalo. Talo ka pa kapag binigyan ka ng all time favorite amount, 20. E handaan? Ayoko din. Sa umaga, birthday mo, daming handaan. Ang saya. Magpamudmud ng tonetoneladang pansit at cake. Sige palamumin mo sila. Isupalpal mo sa kanila yang mga pagkain. Pero pagdating ng hapon o gabi, ikaw din maghuhugas. Takte yan. Nagiging alipin ka bigla kapag walang bisita. Para kasing sinasabi na ". . .hangga't may bisita, birthday mo pa." Tsk tsk tsk.
So Close sa Bus. Yes nagkaload ulet. Text text to the max. GM to the max. Nasa kalsada pa ako nagtetext a. May dumating na bus sa may harapan. Hindi ko nakita ung byahe kaya nagtanong nalang ako. Pero si kuyang kondoktor, artista yata. Ang daming nagtakbuhang pasahero palapit sa kanya. Ang daming nagtanong. Ang gulo. Ako naman si tanga, nakiepal. Nakitanong na rin. Ang sagot lahat ni kuya, "UO! Dadaan. Dadaan." Kaya nagsimula na akong umakyat sa pinagkakaguluhang bus ng bayan (Bangbus?!). Laking gulat ko nalang pagtingin kong pinto ng Bangbus ay wala na ung mga taong nakiepal na magtanong kasama ko. Lahat ata lumipat ng bus. Takte yan. Lakas trip na mga un a.
Nasa kalagitnaan na ako ng byahe. Nanunuod ng pelikulang sinalpak ng konduktor: So Close. Alam ko na tong pelikula pero habang walang nagrereply, nuod muna. Maya-maya, may sumakay na tatlong lalaki na mukhang ewan. Ung isa humanap ng upuan. Ung isa kumakanta. Ung isa naman sa TV screen ng bangbus ang tingin agad. Nanglaki ang mga mata nia habang kinakalabit ung pangalawang lalaki. Sinabi ko nalang sa sarili ko, "Kuya, ang tawag po diyan ay TV. TV. Sige nga sabihin niyo nga."
Nung nakaupo na malapit sa may TV screen, ung pangatlong lalaki kinalabit ung unang lalaki. Pinagkakalat ata ang mabuting balita na nakita siya ng TV. Bigla ba namang sumigaw ng pangatlong lalaki ng "So Close yan! So Close yan! So Close. Pustahan? Ano? Ano? Napanuod ko na yan e. Meron kaming tape nian sa bahay. Dapat pala dinala ko. Ang galing, So Close!" Sabay tingin sa may likuran ng bus. Nakangiti pa siya nun na kala mo pinagmamalaki niang alam nia un.
Ang una kong naging reakson nun ay ewan. Ganun pala reaction ng mga katutubo kapag napapanuod ang So Close. Astig. Pero bakit?! Hmmm. Gusto ko nga sabihin nun e, "Opo kuya, So Close po yan. Hindi po sasaktan nian. manalig lang." Ang lupet pa nga ni kuya e. Magdadala pa daw ng tape. Hala, ginawang Request Express ang Bangbus?
Dahil nga sa out-of-this-world-experience, napatingin ako bigla sa may bintana ng bus para makaiwas ng tingin. Baka mamaya lapitan ang ng lalaking un at bulungan ako, "So Close yan. So Close. Hihihi. Ang galing no. Pustahan tayo?!" Pero pagtingin ko sa bintana ay nasa Makati na ako. Hala! Anong ginagawa ko dito sa Makati?! Anong ginagawa ng matataas na building dito e hindi ko naman dapat dinadaan to pauwi?! Takte! Naliligaw ako! Bakit? Unang naisip, baliktarin ang damit na suot-suot. Toksheyt. Geh na, wala nang hiya-hiya. Kaso hindi pwede, malamig dito sa loob ng bus. Tsaka mukhang tanga dito. Sabihin nila mamaya kasamahan ko ung So Close guru na un. Takte. Napaisip nga ako bigla. Sabi ni Binay, Libre daw dito. Para pagbumaba ako at sumakay ako walang bayad. Kaya bumaba ako. Pagsakay ko ulet ng isa pang bus sininggil agad ako. HA? kala ko ba libre?
Hindi ko man lang naisip ang mga signs na nagpapahiwatig na maliligaw/naliligaw na ako. (1) Nung napagkamalang artista si kuya: dahil kung artista siya, natural lang as Makati ang punta niya. Bakit siya pupuntang Makati? Malay ko, dahil artista siya siguro? (2) Anong ginagawa ng 3 ethnic people na un sa Makati? Takte. Mukhang nagpapagamot ata kasi libre daw. Tsk tsk tsk.
0 comments:
Post a Comment